Nagulantang ang bayan ng Calauag, Quezon nitong ika-25 ng Marso sa naganap na sagupaan sa pagitan ng Philippine Army at New People’s Army (NPA) sa may boundary ng Brgy. Doña Aurora, Calauag, Quezon at Sta. Elena, Camarines Norte.
Ito ay dahil sa pagtatangkang pagpasok ng mga armadong terorista upang guluhin ang kapayaang tinatamasa ng mga mamamayan sa nasabing bayan.
Ayon sa Armed Forces of the Philippines 85th Infantry Battalion at Chief of Police ng Calauag MPS, gumamit ng improvised explosives device ang mga miyembro ng komunistang grupo ng SRMA 4B STRPC na nagdulot ng pagkasugat ng dalawang sundalo.
Sa kabutihang-palad, walang naitalang residente ang nadamay sa nangyaring engkwentro.
Sa kabila nito ay nanatili ang paninindigan ng Armed Forces of the Philippines sa tuloy-tuloy na kapayapaan, kaayusan, at kaunlaran ng bayan ng Calauag, at sa kabuuan ay sa Lalawigan ng Quezon, upang masiguro ito ay hinihikayat din ang bawat isa na makiisa sa pagpapaigting ng matibay na pagtutulungan upang manatiling malaya sa insurhensiya ang buong lalawigan ng Quezon.