Nakabalik na sa winning form ang Barangay Ginebra matapos na ilampaso ang Terrafirma Dyip 114-98 sa nagpapatuloy na PBA 49th Season Commissioners’ Cup na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium.
Bumida sa panalo ng Ginebra si Justin Brownlee na nagtala ng 49 pionts habang mayroong 18 points, anim na assists at dalawang steals para sa kay RJ Abarrientos at mayroong 17 points, limang rebounds naman si Troy Rosario.
Isang malaking hamon para sa Gins ang panalo dahil sa kawalan nina Japeth Aguilar at Stephen Holt na kapwa mayroong injury.
Nananatiling walang panalo ang Terrafirma sa kabuuang anim na laro.
Pinasalamatan naman ni Ginebra head coach Tim Cone ang kaniyang manlalaro dahil sa hindi nito akalain na magwawagi sila kahit kulang ang kaniyang mga manlalaro.
Hindi naman umubra ang nagawang 27 points, 12 rebounds ni Brandon Edwards at 19 points ni Vic Manuel para sa Dyip.