Nagkasundo ang Los Angeles Clippers at ang kampo ni Terrance Mann para sa tatlong taong extension na nagkakahalaga ng $47 million.
Inanunsyo ito ng Clippers sa pagbubukas ng training camp ngayong linggo.
Dahil dito, mananatili si Mann sa naturang koponan hanggang sa 2027-2028 season.
Noong 2019 draft, pinili ng Los Angeles Clippers si Mann bilang 48th pick at nanatili na siya sa naturang koponan mula noon.
Siya ay may average na 8.8 ppg, 3.4rpg, at 1.6apg nitong nakalipas na season, hawak ang episyenteng shooting percentage na 51.5%.
Siya ang pangatlong player ng Clippers na pumirma ng deal ngayong offseason kasama sina James Harden at Ivica Zubac.
Inaasahang pupunan ni Mann ang puwang na iniwan nina Paul George at Russel Westbrook. Si George ay pumirma ng kontrata sa Philadelphia 76ers habang si Westbrook ay nagtungo sa Denver Nuggets.