-- Advertisements --
Terrence Jones
Terrence Jones/ PBA image

Hindi umano magbabago ang pagtingin ni TNT KaTropa Terrence Jones sa mga Filipino matapos na tanggapin ang paghingi ng kapatawaran ni Beermen Arwin Santos.

Magugunitang pinatawan ng P200,000 si Santos dahil sa ginawa nitong maling “gesture” laban kay Jones.

Sinabi ni Jones na nais lamang niyang irespeto siya ni Santos bilang tao, bilang ama at bilang isang black American.

Sa Game 6 ng PBA kagabi ay nilapitan ito personal ni Santos at siya ay humingi nang kapatawaran.