Nanawagan si Terrence Jones sa PBA para sa isang “swift, significant action” kontra kay Arwind Santos.
Kaugnay pa rin ito sa ginawang monkey gesture ng San Miguel forward na umano’y patama sa TNT import nitong Game Five ng PBA Commissioner’s Cup finals.
Sa isang tweet ngayong Huwebes, iginiit ni Jones na hindi katanggap-tanggap ang naging aksyon ni Santos at dapat umanong magkaroon ng aksyon agad dito ang PBA.
“As a father and black man, this can’t be ignored,” saad ni Jones sa kanyang Twitter account. “It’s unacceptable. Swift, significant action needs to be taken by the PBA to send a strong message that racism in any form will not be tolerated.”
Sinabi naman ni Jones sa kanyang Instagram account na hindi raw nito papalampasin ang anumang insulto sa kanyang lahi.
“I don’t normally post responses to negative things said about me – but as a father and a black man, this can’t be ignored. I came to the PBA to play – and to share my talent – in a country where I have tremendous respect for its culture and its people. My son is of Filipino descent. I cannot and will not tolerate racial slurs and gestures,” ani Jones.
Aniya, ang ginawang ito ni Santos ay hindi na rin daw bahagi pa ng “mind games” na karaniwang parte ng anumang kompetisyon.
“They’re not only disrespectful to me but to my family and my race. I teach my son to be proud of who he is and to be respectful of all. This wasn’t a case of ‘mind games’ in an athletic competition – it was racism. Period,” giit ni Jones.
Nitong Miyerkules ng gabi nang makuhaan ng lente si Santos na gumagawa ng monkey gesture matapos na ma-foul ang TNT import sa huling bahagi ng second quarter ng laro.
Sa panig naman ni Santos, inihayag nito na bahagi lamang daw ito ng “mind games” na normal sa larong basketball.
“Sorry ako? Hindi. Depende ’yun sa kanya. Kung mapipikon siya, totoong monkey siya. Kung di ka mapipikon, di ka monkey. Kami nanga-asar lang. Kami nga magka-kapatid naga-asaran din kami. Di ko naman siya kaano-ano,” ani Santos.
Binalaan din daw siya ni PBA commissioner Willie Marcial ilang sandali matapos niya itong gawin.