-- Advertisements --
Hindi makakasama ng San Miguel Beermen sa 47th Season ng PBA si Terence Romeo dahil sa back spasm.
Ayon kay Coach Leo Austria, na noong nakaraang season pa ay kaniya itong iniinda kaya pinagamot na ng kanilang shooting guard ang injury nito.
Wala pang katiyakan kung kailan ito makakabalik sa paglalaro.
Hirap itong makagalaw kaya pinayuhan nila ito na sumailalim sa therapy at rehabilitation.
Aminado si Austria na isang malaking kawalan sa kanilang koponan si Romeo dahil sa kontribusyon nito sa bawat laro.