Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Air Canada kung papaano at hindi man lamang ginising ang babaeng pasahero na naiwan sa loob ng eroplano kahit nag-landing na.
Una rito, lumutang si Tiffani Adams at inaming nakatulog siya habang sakay ng eroplano sa kanyang biyahe mula Quebec hanggang Toronto noong Hunyo 9.
Nagulantang na lamang daw siya nang magising na nanginginig na siya sa labis na lamig at naka-buckle pa sa kanyang upuan habang naka-park na ang erolano.
Ang karanasan ni Ms. Adams ay inilathala niya sa Facebook kung saan nabanggit niya na nagising siya na halos hatinggabi na ilang oras matapos na mag-landing ang eroplano.
Napakadilim aniya ang kapaligiran at doon niya naranasan ang matinding takot na inilarawan niya bilang “terrifying.”
Nagawa umanong makatawag ni Ms Adams sa kaibigan na si Deanna Dale upang ipabatid kung nasaan siya pero wala pang isang minuto ay wala ng power ang kanyang cellphone.
Si Ms Dale naman ay nakatawag sa Toronto Pearson Airport upang ipaabot ang kalagayan ni Adams.
Hindi na rin makapag-charge pa ng cellphone si Ms. Adams bunsod ng naka-shutdown ang eroplano.
Sa pangangapa raw ni Adams ay natunton niya ang cockpit ng eroplano at tinangkang kumuha ng atensiyon gamit ang torch o flashlight na kanyang nakita.
Dito na siya nag-signal sa bintana ng “SOS.”
“I’m trying to focus on my breathing and control my panic attack while I attempt to charge my phone by plugging into every USB port I could find..no luck bc when they shut the aircraft down there is no power whatsoever I now have to use washroom and that’s also no picnic when you can’t see a thing and are tryin to keep yourself calm,” bahagi pa ng FB account ni Adams. “Since I can’t charge my phone to call for help I’m full on panicking bc I want off this nightmare asap.”
Sa huli napansin naman siya ng luggage cart operator at sinabing siya ay nasa “state of shock” nang makita at gulat na gulat din.
Samantala, ibinahagi naman ni Ms. Adam humingi na rin sa kanya ng paumanhin ang Air Canada at nag-alok ng limousine service patungo sa hotel pero kanyang tinanggihan.
Ang nais lamang daw niya noong mga oras na iyon ay makabalik siya ng maaga sa kanyang tahanan.
“Air Canada called Monday and Tuesday both people again ask me to repeat what happened apologize for my inconvenience and say they will do an investigation bc they have checks in place that should prevent people from being locked on the aircraft at night.”
Samantala sa Facebook page ng Air Canada, ipinagmamalaki nila ang karangalan bilang “2019 Best Airline in North America for the 8th time in 10 years.”