-- Advertisements --

hamas2
PNP-IG Dir. PBGen. Neil Alinsangan

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) ang planong terror plot ng isang kilalang foreign terrorist organization na maglunsad ng kaguluhan sa bansa.


Nabulgar kasi ang isinagawang pagre-recruit sa mga Pilipino sa pamamagitan ng local teerorists na siyang inatasang maglunsad ng terrorist activities laban sa mga banyagang westerners at middle eastern nationals na nasa Pilipinas.

Sa report ni Intelligence Group Director PBGen Neil Alinsangan kay PMGen Michael John Dubria, PNP Director for Intelligence, nabatid nila ang nasabing impormasyon mula sa isang local contact ng isang “Hamas’.

Sinabi ni Alinsangan, kinilala ng kanilang Pinoy source ang Hamas operative na si “Bashir” na nagtangkang mag established ng foothold sa Pilipinas na nangakong magbigay suporta sa ilang mga local terrorist groups sa bansa na may ugnayan sa

Sinabi ni Alinsangan dahil kanilang ginawang coordination and information sharing sa kanilang foreign at local counterparts natukoy ang totoong pagkakakilanlan ni Bashir na si ” Fares Al Shikli” na siyang head ng Hamas’s Foreign Liaison Section.

hamas

Kabilang din si Al Shikli sa Interpol Red Notice na nahaharap sa kasong Offense of Terrorism Logistic Support.

Inamin ng source na ilang beses din siya bumiyahe sa bansang Malaysia mula 2016 hanggang 2018 kung saan nakilala nito si Fares Al Shikli at kanilang napag-usapan ang posibleng gagawing pag atake laban sa mga Israeli nationals sa bansa kapalit ng pinansiyal na tulong mula sa Hamas.

Ang gagawing pag-atake sa mga Israeli sa pamamagitan ng pagsasagawa ng kilos protesta sa Israeli Embassy sa bansa at magpapakalat ng mga propaganda materials laban sa Israel.

Tiniyak ni Alinsangan na hindi magtatagumpay ang teroristang grupo sa kanilang terroristic plans sa bansa lalo at naka bantay ang PNP at AFP.