GENERAL SANTOS CITY – Idineklarang dead on arrival sa pagamutan ang suspek sa 2018 GenSan bombing matapos na manlaban umano sa otoridad sa isinagawang operasyon sa Polomolok South Cotabato.
Sa pinagsanib na pwersa ng PNP at 5th Special Forces Batallion Philippine Army, isinilbi ang warrant of arrest sa kasong frustrated murder laban kay Ben Usman a.k.a Tons Usman.
Ayon sa pulisya, si Usman miyembro ng teroristang grupo na Ansar al-Khilafah (AKP) DI-Maguid, IED instructor at kapatid ng kilalang terorista na si Basit Usman.
Napansin umano nito ang paglusob ng arresting team kayat mabilis na nagpaputok ng baril subalit gumanti ng putok ang mga otoridad.
Hindi na umabot na buhay si Usman nang isinugod sa ospital.
Narekober sa bahay ni Usman ang 38 revolber na baril, granada, at isang itim na tela na may marka na ISIS.