Paiimbestigahan na raw ng Department of Justice (DOJ) sa National Bureau of Investigation (NBI) ang lumutang na ulat kamakailan hinggil sa umano’y terrorist plot sa ilang bahagi ng Northern Luzon.
Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, makikipagtulungan din ang kagawaran sa iba pang intelligence agencies para malaman ang katotohanan sa likod ng naturang banta.
“I will direct the NBI to coordinate with other intelligence agencies to verify this alleged entry of Islamic State-affiliated terrorists into our country,” ani Guevarra.
Batay
Sinasabi kasi na ito ang terminong ginagamit ng Islamic State terrorists sa mga lugar na kanilang target para pagsimulan ng religious war.
Sa ngayon patuloy ang mahigpit na pagbabantay ng mga otoridad sa lahat ng simbahan at matataong lugar sa Hilagang Luzon para matiyak ang kaligtasan ng mga residente mula sa banta ng terorismo.