CENTRAL MINDANAO-Nag-umpisa na ang produksyon ng paunang facemask na ibibigay ng TESDA sa mga mamamayan at kawani ng gobyerno na nakabantay upang mapuksa at hindi maka pasok sa rehiyon ang Corona Virus Disease o COVID-19.
Mga estudyante ng Dressmaking NC II ang mga tumahi ng nasabing face mask na matatapos ngayong linggo na ibibigay sa mga piling Local Government Unit at pati narin sa mga frontliner sa rehiyon.
Sa pagbubukas ng panawagan ng TESDA Sox sa mga gustong magbigay ng cotton o polyester cloth inaasahan na dadami ang magagawa at maibibigay sa mga LGU na wala nang supply ng facemask.
Para sa mga gustong magbigay ng cotton polyester cloth ay maaari kayong tumawag sa (083) 887-4973 o sa 09179772565 at hanapin lang si Ms. Phiebe Padernilla para sa iyong ibibigay na donasyon.
Ayon pa kay TESDA 12 Regional Director Rafael Y. Abrogar II na sa panahong ito ay hindi lang ito laban ng iilan o ng mga kawani sa medisina kundi ito ay laban nga buong bayan.
Bukas ang opisina ng GSNSAT alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon mula unes hanggang Biyernes.
Tatanggap din ng mga volunteer ang GSNSAT sa mga gustong tumulong sa paggawa ng face mask.