-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO – Pinaplano ngayon ng Technical Education and Skills Development Authority Region 12 (TESDA-12) ang isang skills training sa mga sumukong miyembro ng New People’s Army (NPA).
Ayon kay TESDA-12 Regional Director Rafael Abrogar II, naghahanap sila ng iba’t ibang kasanayan sa pagsasanay sa mga dating NPA.
Ito’y sa pakipagsosyo sa People’s Advocacy for Collaboration and Empowerment Inc. (PEACE).
Magsasagawa ng konsultasyon at lugar ng pag-aaral sa mga benepisyaryo para madetermina kung anong uri ng kasanayan at tulong ang maaring maibigay ng TESDA.
Naghahanda rin ang TESDA-12 sa mga panukalang proyekto para sa skills training para matiyak ang pangkabuhayan at trabaho sa mga dating NPA na nagbalik-loob na sa gobyerno.