-- Advertisements --
May alok na libreng online training courses para sa data analysts ang Department of Science and Technology (DOST) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Ito ay dahil sa patuloy ang mataas na demand ng nasabing kurso.
Paraan din ito aniya ng dalawang ahensya na matugunan ang skills mismatch at kakulangan sa nasabing trabaho.
Sinabi ni Sherwin Pelayo, ang executive director of Analytics Association of the Philippines, na hindi lamang para sa mga call center companies ang data analyst dahil ito ay kailangan din sa ibang kumpanya.
Mayroon entry level na hindi bababa sa P25,000 ang sahod sa isang buwan ng mga data analyst.