-- Advertisements --

Nakatakdang ilunsad ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang isang mobile application para matulungan ang kanilang mga graduates na makapaghanap ng trabaho sa kanilang lugar.

Ayon kay TESDA Dir. General Isidro Lapena, ang nasabing proyekto raw ay kahalintulad ng hailing application na “Grab.”

Aniya, gaya ng Grab, kung kailangan nilang ng isang tao ng tubero, karpintero o ano mang skilled worker ay kailangan lamang ng mga itong mag-book sa 911-TESDA application para makahanap ng TESDA graduate na malapit sa kanilang lugar.

Sa ngayon, inaayos na umano ng TESDA ang magiging presyuhan at kabuuang kalakaran sa naturang application.

Target nila itong ilunsad sa buwan ng Hulyo ngayong taon.