-- Advertisements --
Umaasa si Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Director-General Secretary Isidro Lapeña na mapagbigyan ng mga mambabatas ang kaniyang hiling na karagdagang P2.8 billion na pondo.
Ito ay bukod pa sa P19.9 billion proposed budget para sa 2020.
Ayon sa kalihim na sa karagdagang pondo ay lalong mapapalawig pa nila ang kanilang iba’t-ibang mga anti-poverty and skills development programs and projects.
Kung ikukumpara aniya ang pondo ng Department of Education ay lubhang napakalayo ito.
Nagpahayag naman ng suporta sina minority leader Bienvenido Abante at Bayan Muna Rep. Isagani Carlos Zarate sa apela ni Lapeña na ito ay malaking tulong sa ahensiya para malabanan ang kahirapan sa pamamagitan ng mga programa ng TESDA.