-- Advertisements --

Inanunsyo ng pamunuan ng Technical Education and Skills Development Authority ang matagumpay na pagbubukas ng kanilang scholarship program sa distrito ng Pasay at Makati.

Kaugnay nito ay isinapubliko na rin ng ahensya ang mga listahan na maaaring pasukan ng publiko.

Layon ng naturang programa na mahasa ang kanilang skills nang sa gayon ay magamit nila sa pagtatrabaho sa anumang industriya na gusto nilang pasukan.

Kinumpirma naman ito ng TESDA sa pamamagitan ng kanilang official TESDA account online.

Kabilang sa kanilang inooffer ay ang libreng training sa ibat ibang larangan.

Hinimok rin nito ng publiko na bisitahin ang kanilang opisina kung sila ay interesado na makilahok.