-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang pagtaas ng employement rate ng kanilang mga graduates.

Ayon kay TESDA deputy director general Aniceto “John” Bertiz III na mayroong 86% percent ng mga nagtapos sa anumang TESDA courses ay nakakuha na ng mga trabaho.

Hindi lamang sa ating bansa nakakakuha ng trabaho ang mga ito dahil sa maging sa ibang bansa ay may mga trabaho na sila.

Nakatutok ngayon sila sa pagkakaroon ng manggagawa sa larangan ng agrikultura, construction, information technology, business process outsourcing, healthcare at tourism.

Magugunitang iniulat na rin ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumaba ang bilang ng mga walang trabaho sa bansa.