May alok ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na scholarships para sa livelihood skills ng mga benepisyaryo ng Balik Probinsiya, Bagong Pag-asa (BP2).
Ang mga kwalipikadong benepisyaro ng naturang programa ay maaaring mag-enroll sa mga kursong ships catering Service National Certificate (NC) III, cookery NC II, Driving NC II, Massage Therapy NC II, electronics Products Assembly NC II, Organic Agriculture Production NC II, Electrical Installation and Maintenance NC II at Shielded Metal Arc Welding NC I.
Sinabi ng TESDA bilang bahagi ng Balik Probinsya Council, maaaring mai-apply ng mga benepisaryo ang kanilang skills training patungo sa kanilang pagbabagong buhay.
Magugunitang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang EO 114 noong May 6, 2020 para ma-institutionalize ang Balik Probinsiya program na layong ma-decongest ang Metro Manila sa pamamgitan ng paghikayat sa mga tao lalao na ang mga informal settlers na magbalik probinsiya.