-- Advertisements --
image 274

Inanunsiyo ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na magkakaroon sila ng logo design contest.
Ayon sa TESDA na ang nasabing hakbang ay bahagi ng rebranding ng kanilang opisina gaya ng ginawa ng Department of Tourism at Philippine Amusement Gaming Corporation (PAGCOR).
Tumanggi naman ang TESDA kung magkano ang budget na inilaan sa nasabing kontest.
Ang mananalo aniya ay mabibigyan ng P10,000 at certificate of recognition.
Ang nasabing logo ay dapat sumentro sa bagong slogan ng TESDA na “Lingap ay Maasahan”.