Nagbabala ang Technical Education and Skills Development Authority hinggil sa kumakalat ngayon na mga fake National Certificate na binebenta at inaalok online.
Ayon sa naturang ahensya, huwag umanong makipag transaksyon sa mga scammer dahil ang National Certificate raw ay hindi nabibili online o kung saan-saan lamang
Ito ay iniisyu sa mga kuwalipikadong indibidwal na pumasa sa kanilang isinasagawang training at mga assessment.
Kung nais naman daw na i-verify ang mga natanggap na National Certificate ay sumadya o tumawag na lamang sa kanilang mga tanggapan na malapit sa kani-kaninalang lugar upang masigurong authentic o legit ang kanilang hawak na sertipikasyon.
Sa ngayon, patuloy ang paalala ng TESDA na mag-ingat at huwag magpabiktima sa mga taong manloloko dahil hindi naman daw nabibili ang skills ng mga Pilipino.