-- Advertisements --

MANILA – Nagbukas pa ng dalawang assessment centers ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa mga nais kumuha ng national certificate sa domestic work.

Ayon sa TESDA, nitong nakaraang linggo nang buksan sa publiko ang ikaapat at ika-limang assessment centers sa Quezon City at Maynila.

Tugon daw ito ng institusyon sa dumadami pang bilang mga aplikante na nais kumuha ng training at sertipikasyon para sa domestic work.

Sapat daw ang pasilidad para sa 20 aplikante kada araw, o 500 aplikante kada linggo para sa limang assessment centers.

Hinimok ni TESDA director general Isidro Lapena ang mga papaalis pa lang na Pinoy domestic workers, na mula sa labas ng Metro Manila, na sa pinakamalapit na assessment centers na lang sila mag-competency assessment para hindi mapuno ang NCR centers.

Bukod sa Quezon City at Maynila, may TESDA assessment centers para sa domestic work din sa Navotas at Taguig.