Namahagi ng mobile laboratory ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Ang hakbang ay Upang makapaghatid ng special skills training at dagdag na mapagkakakitaan sa mga malalayong lugar sa ating bansa.
Ayon kay TESDA Director General Danilo P. Cruz, na sa ganitong paraan ay darami pa ang bilang ng mga makakapag-aral sa TESDA.
Dagdag pa nito na aabot sa mahigit 5,000 enrollees ang maa-accommodate ng naturang programa taon taon.
Kabilang sa mga Tech-Voc coures ng mobile lab ay Photovoltaic Systems Installation NC II, Bread & Pastry Production NC II, Food Processing NC II, Organic Agricultural Production NC II, Carpentry NC II, Plumbing NC II, Electrical Installation Maintenance NC II, and Agricultural Crop Production NC II.