Kabilang ang Technical Education Skills Development Authority sa mga ‘Most approved and Trusted’ Government Agencies sa Pilipinas.
Ito ay batay pa rin sa pinakahuling datos na inilabas ng Publicus Asia.
Ang nasabing ahensya ay nakapagtala ng aabot sa 71 approval at 59 percent trust rating sa isinagawang survey.
Sa isang pahayag, sinabi ni TESDA Director General Suharto Mangudadatu na ito ay patunay lamang na nabibigay ng kanilang tanggapan ang mga maayos na programa maging ang tapat na serbisyo sa bawat mamamayang Pilipino.
Tiniyak din ni Mangudadatu na kanilang ipagpapatuloy ang mga nasimulang gampanin na makapagbigay ng de kalibreng training sa mga Pilipino.
Layon nitong makapagbigay ng mga angkop na special training na tiyak na mapapakinabangan ng mga mamamayan sa pag apply ng trabaho sa anumang sector sa loob at labas ng bansa.