-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Pinilahan ng maraming aplikante ang booth ng TESDA sa Local Serbisyo Caravan sa Brgy. Manobo, Magpet, Cotabato.

Sinabi ni TESDA provincial director Norayah Acas na isa umano itong magandang senyales, na nakikita ng mga tao ang importansiya ng pagkakaroon ng skills.

Bago pa man ang Local Serbisyo Caravan meron ng mga TESDA training sa Brgy. Manobo.

Nitong nakalipas na linggo lamang ay nakapagtapos ang 100 trainees ng organic vegetable production.

Ngayon na naman ay may on-going training para sa Solar panel intallation NC-2 sa 25 na trainees, na may kasamang P5,000 na training support fund bawat isa.

Ikinagalak naman si PD Acas ang pagtangkilik ng mga tao sa programa ng TESDA, at nagpapasalamat din ito sa patuloy na pakikipag-ugnayan ng tanggapan ni Cotabato Governor Nancy Catamco sa pagpili ng mga iskolar.

Ang mga nagpalista sa booth at ang gustong training na kukuhanin nila ay idadaan sa muna sa evaluation ng kanilang tanggapan at ipasok sa pundo ng taong 2021.

Sa seremonya, iginawad ng TESDA at ni Gov. Catamco ang scholarship grant certificates at ang training allowance ng mga trainees.