-- Advertisements --
Tinanghal si Tesla chief executive officer Elon Musk bilang “Person of the Year” ngayong taon ng Time Magazine.
Ayon kay Edward Felsenthal ang editor-in-chief ng Time na ipinakita ni Musk na mayroong ibang kakayahan ang ibang tao ngayong panahon na umiiral ay makabagong teknologhiya.
Pinipili nila aniya ang magiging “Person of the Year” na kayang maapektuhan ang buhay ng isang tao sa kabutihan man o sa kasamaan.
Bukod kasi sa pagsasagawa ng mga eletric cars ay founder at CEO din si Musk ng SpaceX na nagsimula ng magdala ng mga turista sa kalawakan.