-- Advertisements --
TESLA ELON MUSK 2

Binabalak ni Tesla CEO Elon Musk na mas paliwigin pa ang kaniyang global expansion plans kasunod nang pagtatapos ng kaniyang deadline sa paggawa ng mga kotse para sa China.

Ayon kay Musk, sinimulan na umano ng pinaka-bagong Gigafactory ng Tesla na naka-base sa Shanghai ang trial production ngayong buwan na mas maaga sa nakatakdang schedule.

Pinaplano rin umano ng kaniyang kumpanya na ianunsyon ang lokasyon ng susunod na Gigafactory sa Europe bago matapos ang 2019.

Sa pagpasok ng produkto ng Tesla sa China, inaasahan na dadami pa lalo ang potential customers ng kanilang sasakyan matapos nitong magkaroon ng access sa major global car markets.

Humanga rin ang mga investors dahil sa mabilis na pagkakatayo sa factory ng Tesla sa Shanghai. Ang pasilidad nito ay mas mura umano ng 65% kumpara sa Model 3 production plant sa United States.

“We have also dramatically improved the pace of execution and capital efficiency of new production lines,” saad ng kumpanya.

Dagdag pa ni Musk, posible rin na magsilbing “template for future growth” ang bagong factory sa Shanghai.

Binabalak din ng Tesla na higitan pa ang kanilang produksyon ng kotse ng hanggang 500,000 units kada taon.