-- Advertisements --
Inalok ng milyonaryong si Elon Musk ng 24/7 security ang actress na si Amber Heard.
Ito ay matapos na humiling ang 34-anyos ng restraining order sa High Court laban sa asawang actor na si Johnny Depp.
Kasalukuyan kasing nagbibigay ng ebidensiya ang actress sa korte sa London para sa libel case na isinampa ng 57-anyos na actor.
Mariing pinabulaanan din ng actress na binibisita siya at may relasyon sila ng Tesla founder habang wala ang asawa nitong si Depp.
Magugunitang kinasuhan ng actress ang dating asawa dahil umano sa pananakit sa kaniya.
Nagsampa rin ng kasong libel ang actor sa isang US magazine na naglabas ng balita sa pananakit umano nito sa actress.