-- Advertisements --

Sinimulan na ng libo-libong contact tracers ang pagtawag sa iba’t ibang tao bilang pagsisimula ng malawakang contact tracing sa England at Scotland.

Sa pamamagitan ng text, email o tawag ay aabisuhan ng mga contact tracers ang bawat indibidwal na sumailalim sa self-isolation dahil nagkaroon ang mga ito ng contact sa COVID-19 positive.

Layunin ng sistemang ito na tumulong na pagaanin ang ipinatupad na lockdown restrictions sa mga nasabing bansa at magsagawa na lamang ng mas localised na mga patakaran.

Tinawagan ng 25,000 tracers mula sa NHS test and Trace team sa England ang nasa 2,013 katao na nagpositibo sa virus.

Kumpyansa naman si Health Secretary Matt Hancock maraming tao ang makikiisa sa kanilang ginagawa.

“In this war on the virus, ultimately we are all on the same side and we’ve all got a part that we can play,” saad ni Hancock.