Matagumpay na isinagawa ng Department of Social Welfare and Development – National Household Targeting Office ang test run para sa ” i-Registro.
Ito ay isang Dynamic Social Registry para sa mga potential beneficiaries ng DSWD.
Sa isang pahayag, sinabi ni DSWD-NHTO Director Jimmy Francis Schuck II, layon ng programang ito na palakasin ang social protection system sa Pilipinas.
Ayon sa ahensya, sinimulan ang Dynamic Social Registry ng naturang programa sa mga munisipalidad na sakop ng Pateros sa Metro Manila, Cordova sa Cebu, at Floridablanca sa Pampanga.
Ito ay mula Hulyo 1-31 ng kasalukuyang taon.
Sa unang phase ng programa, nakatutok ito sa self-service registration at information authentication ng mag buntis at nagpapadedeng ina mula sa mga natukoy na pilot testing site.
Kasabay ng initial run, matagumpay na naideploy ang mga web portal sa mga pilot site.
Ito ay bahagi pa rin ng pagsisikap ng gobyerno sa digital transformation at modernisasyon ng mga proseso ng pamahalaan.