Kinumpirma ni Department of Transporation (DOTR) Secretary Art Tugade na nakatakdang ibaba ang kauna-unahang Tunnel Boring Machine (TBM) at magsagawa ng test run para sa Metro Manila Subway sa Valenzuela Station sa darating na Mayo.
Nitong isang araw ay nag-inspeksyon sina Sec. Tugade, Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana, at Japanese Ambassador Koshikawa Kazuhiko sa mga construction sites ng Metro Manila Subway Project, kabilang ang Valenzuela Depot, Tandang Sora sa Quezon City, at North Avenue Station.
Binigyang-diin ni Tugade na ang patuloy na construction ng Metro Manila Subway ay patunay na ito ay totoo at makokompleto sa loob ng dalawang taon at kalahati batay sa timeline ng DOTR at ng railway sector.
Hindi aniya nag-atubili si Sec. Lorenzana na aprubahan na gamitin ang lupain ng DND at Armed Forces of the Philippines para sa subway project ng gobyerno.
Tiniyak naman ng kalihim na suportado ng Defense department ang kahalagahan ng Metro Manila Subway Project.
Giit ni Lorenzana, interesado sila sa subway project dahil dadaan ito sa mga kampo ng Armed Forces of the Philippines.
Ang subway project ay pinondohan ng Japanese government na may 33-kilometer rail line na magsisimula sa Valenzuela City hanggang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Pasay City.
Mababawasan din ang travel time sa pagitan ng Quezon City at NAIA kung saan mula isang oras at 10 minuto, magiging 35 minuto na lamang ito.
Sa sandaling maging “operational” na ang Metro Manila subway, makaka-accomodate umano ito hanggang 370,000 passengers bawat araw.
Matatandaan noong Disyembre 2020, pinirmahan ng DOTr at DND ang Right-of-Way Usage Agreement (“ROWUA”) na siyang nagbigay-daan para maging tiyak na ang isa sa mga major site subway.
Ang North Avenue Station ay may sukat na 33.643 hectares at matatagpuan sa tabi ng Veterans Golf Course sa Quezon City.
” “Our railway sector says, in May of this year, we will see the lowering of TBM and test run at the depot in Valenzuela. Again, this is what will show that the Manila Subway is real, ” wika ni Sec. Tugade.
Samantala, pinuri ni Tugade ang men and women ng Civil Aviation Authority of the Philippines sa kanilang 14th anniversary dahil sa kanilang walang humpay at dedikasyong makapag serbisyo sa bayan lalo na at nasa pandemya pa rin ang bansa