Isiniwalat ng testigo na si Jimmy Guban sa Quad Committee ang ilang kilalang pangalan na sangkot sa iligal drug trade.
Si Guban ay dating intelligence officer ng Bureau of Customs (BOC) na kasalukuyang nakakulong dahil sa pagkakasangkot nito sa shabu smuggling incidente gamit ang magnetic filters noong 2018.
Pasado ala-1:00 ng hapon ng dumating sa pagdinig ang testigo at ibinahagi ang kaniyang mga nalalaman at mga hinaing.
Sinabi ng testigo ginagawa lamang niya ang kaniyang trabaho na hulihin ang iligal na droga na dumaan sa BOC subalit siya ngayon ang nakakulong.
Idiniin ni Guban sa Quad Committee si Benny Antiporda na tinawagan siya nito nuon
Ayon kay Guban ang dahilan ng kaniyang pagsasalita ay dahil nais niya ng tunay hustiya.
Makukuha lamang niya ang hustisya sa pamamagitan ng pagsasawalat ng katotohanan.
Sa interpelasyon ni Rep. Dan Fernandez, tinanong nito si Guban kung bakit dapat paniwalaan ng Komite ang kaniyang pahayag lalo at may nakaraan ito na binawi at iniba ang kaniyang testimonya.
Sa pagtatanong naman ni Rep. Bienvenido Abante kay Guban tinanong ng kongresista kung ano ang negosyo ng mga nabanggit niyang Pangalan.
Sagot ni Guban na importation ang negosyo ng tatlo subalit sangkot ang mga ito sa iligal na droga.
Hindi naman direktang masabi ni Guban kung ang shipment ay naka pangalan sa tatlong personalidad dahil iba iba ang consignee ang ginagamit ng mga ito.
Samantala, ibinunyag din ni Guban na si dating presidential adviser Michael yang ay tinaguriang bigtime drug importer.