Pansamantalang ididitini muna sa quarters ni Bureau of Corrections (BUCOR) chief Gregorio Catapang ang testigong si Jimmy Guban.
Ito’y matapos ginarantiya ni retired General Catapang ang kaniyang seguridad.
Ayon kay Quad Committee lead Chairman Rep. Robert Ace Barbers na pansamantala lamang ito habang pino proseso pa ang ilang mga mahahalagang dokumento para isailalim ito sa witness protection program.
Ang pansamantalang pananatili ni Guban sa quarters ni Gen. Catapang ay para masiguro ang kaniyang seguridad.
Idiniin ni Guban sa kaniyang affidavit na sangkot sa illegal drug trade sina Rep. Paolo Duterte, Atty Mans Carpio at si dating presidential adviser Michael Yang.
Dagdag pa ni Guban na si Michael Yang ay maituturing na big time drug importer.