-- Advertisements --

j

Nakuhanan na ng mga testimonya ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga testigo sa pamamaril patay ng mga Pulis sa apat na sundalo ng Philippine Army sa Jolo,Sulu.


Sa panayam ng Bombo Radyo kay AFP Spokesperson MGen. Edgard Arevalo sinabi nito na batay sa inisyal na pahayag ng NBI na nagkakatugma ang pahayag ng mga civilian witnessess duon sa testimonya ng isang sundalo na naka motorsiklo na nagsisilbing back- up ng SUV kung saan sakay ang mga intelligence operatives sa pamumuno ni Maj. Marvin Indammog.

Ayon kay Arevalo, batay sa pag-uusap nila ni 11th ID Commanding General MGen. Corleto Vinluan, sinabi nito na hindi tumutugma ang pahayag ng mga testigo sa spot report ng PNP.

Una ng sinabi ni Phil Army chief Lt Gen. Gilbert Gapay na fabricated o gawa gawa lamang ang spot report ng PNP.

Sa ngayon, kino-collate na ang mga testimonya ng mga testigo.

j2

Nanindigan din ang AFP na walang nangyaring sagupaan o palitan ng putok dahil walang bitbit na baril ang apat na sundalo.

Sinabi ni Arevalo na sinadyang patayin ng mga pulis ang apat na intelligence operatives.

Nasa Sulu pa rin sa ngayon ang isang team ng NBI na siyang nag-iimbestiga sa kaso.

Sa kabilang dako, ayon naman kay Wesmincom spokesperson Maj. Arvin Encinas, very cooperative ang PNP sa Sulu sa imbestigasyon ng NBI.

Sa ngayon, manageable ang sitwasyon sa Jolo matapos ang insidente.