-- Advertisements --
vcm voting
Vote Counting Machine (photo: Dennis Jamito)

Sisimulan na ng Comelec ang final testing and sealing ng mga vote counting machines (VCM) na gagamitin sa midterm elections.

Ayon kay Comelec spokesman Dir. James Jimenez, layunin nitong matiyak na gumagana ng maayos ang mga makina bago ang mismong halalan.

Sa prosesong ito ito, nagkakaroon ng simulation para sa pagbubukas ng VCM, pagsalang ng balota at pagtransmit ng data.

Kung magiging matagumpay ang aktibidad, saka lamang ito seselyohan bilang patunay na handa na ang makina para sa araw ng halalan.

Ang mga papalyang unit ay sasailalim sa checkup at panibagong testing process, bago tuluyang mai-deploy sa presinto.