-- Advertisements --

Hinihiling ng National Economic Development Authority (NEDA) ang pagpapaigiting sa mga COVID-19 testing at tracing habang nasa lockdown.

Ayon kay acting Socioeconomic Planning Secretary Karl Chua, mahalaga ang Prevent, Detect, Isolate, Treat and Recover (PDITR) strategy para may katuturan pa ang ipinapatupad na enhance community quarantine (ECQ).

Dagdag pa nito, ang nasabing hakbang ay naging epektibo mula noong Agosto 2020 hanggang Pebrero 2021 noong kasasagan sa pagtaas ng COVID-19 cases.

Aminado ito na malaki ang epekto ng dalawang linggong ECQ sa NCR Plus kung saan nagresulta ito sa karagdagang 252,000 na mga indibidwal na walang trabaho at karagdagang 102,000 sa mga mas mahirap na indibidwal.