-- Advertisements --
Sumailalim na sa isolation si testing czar Sec. Vince Dizon.
Ayon kay Dizon, nakasalamuha nito noong nakalipas na Biyernes si Presidential spokesperson Sec. Harry Roque, na nagpositibo kamakailan sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Pero pagtitiyak ni Dizon, maayos pa rin naman daw ang kanyang kalusugan at wala ring nararamdamang anumang sintomas ng virus.
Abala rin daw siya sa pakikipag-ugnayan sa mga local government units.
Si Roque ang ikalimang miyembro ng Gabinete na dinapuan ng COVID-19, sunod kina Trade Secretary Ramon Lopez, Public Works Secretary Mark Villar, Education Secretary Leonor Briones, at Interior Secretary Eduardo Año.