-- Advertisements --
Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Sec. Vince Dizon bilang officer-in-charge ng Office of the Chairperson ng Clark Development Corp. (CDC).
Sa isang memorandum nitong Disyembre 3, inanunsyo ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang pagkakatalaga ni Dizon.
Si Dizon din ang kasalukuyang president and chief executive officer ng Bases Conversion and Development Authority, presidential adviser ng Flagship Programs and Projects, National Action Plan deputy chief implementer, at testing czar.
Samantala, wala pang itinatalagang bagong president ng CDC ang Pangulo makaraang magretiro si Noel Manankil nitong Oktubre para alagaan ang magulang nito.