Ipinagmalaki ng pamunuan ng MRT-3 na naging matagumpay ang isinagawang dynamic testing nuong Miyerkules sa 4-car train sa main line nito.
Personal nakiisa sa isinagawang testing ang mga miyembro ng MTR-3s technical team sa pamuuno ni Director for Operations Michael Capati, at ang representatives mula sa Sumitomo-MHI-TESP, ang siyang maintenance provider ng MRT-3 line.
Layon ng isinagawang dynamic testing ng 4-car configuration, ay para i-assess ang vehicle’s running safety, kumportableng pagsakay, at stability laban sa posibleng mangyayaring aberya at iba pa.
Magugunita na nuong December 2021, nakumpleto ang rehabilitasyon ng buong linya ng MRT-3 dahilan para target ng pamunuan na i expand ang line’s carrying capacity sa pamamagitan ng pag deploy ng 4 car bawat train set kung saan unti-unti ng nagsi shift ang bansa sa tinatawag na new normal.
Inihayag ni Director Capati na ang MRT-3’s station platforms ay designed para maka-accomodate ng 4-car train operation.
Malaking ginhawa para sa mga commuters kung magsisimula na ang operasyon ng 4-car train sa linya ng MRT-3.
Sa kabila na nasa Alert Level 1 ang Metro Manila, striktong ipinatutupad pa rin ng MRT-3 ang minimum public health standard sa loob ng mga train.