-- Advertisements --

Vigan City – Natapos na ang isinagawang pagaaral sa Narvcan, Ilocos Sur para sa bagong paraan ng pagaaral ng mga mag-aaral kung saan hindi na kinakailangan ng mga ito na gumamit pa ng tablet o laptop sa kanilang pagaaral.

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay dating Ilocos sur Governor at ngayoy Narvacan Mayor Luis Chavit Singson, natapos na ang isinagawang pilot test sa kanyang nasasakopan at maganda ang naging resulta nito kung saan hindi na kinakailangan ng internet connection.

Aniya, ang nadevelop nilang bagong sistema ng pagaaral ay malaking tulong sa buong Pilipinas kung aaprobahan ng Department of Education dahil narin sa liit ng gagastusin ng naturang ahensya.

Nakatakdang magusap ang Telecommunication Company ni Chavit at ang kagawaran ng edukasyon sa susunod na araw.