-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng United States Pacific Fleet na naging matagumpay ang isinagawa nilang testing sa isang bagong high-energy laser weapon na kayang sumira ng isang aircraft habang nasa himpapawid.

Sa inilabas na mga larawan at videos ng Navy, ipinapakita na nagmula ang laser sa deck ng amphibious transport dock ship na USS Portland.

Makikita rin sa maikling video clips ang mistulang nasusunog na drone habang nasa ere.

Bagama’t hindi nagbigay ang Navy ng detalye kung saan eksaktong nangyari ang laser weapons system demonstrator (LWSD) test, sinabi lamang nila na nangyari ito sa bahagi ng Pacific Ocean noong Mayo 16.

Hindi din isinapubliko kung gaano kalakas ang weapon, pero batay sa report ng International Institute for Strategic Studies noong 2018, sinasabing ito ay isang 150-kilowatt laser. (CNN)