Iginiit ni Alabay Rep. Joey Salceda na na dapat mas marami pang pasyente ang isinailalim ng Department of Health (DOH) sa testing sa posibleng pagkakaroon ng COVID-19 infection.
Sinabi Salceda na ang Pilipinas pa rin ang may pinakamababang testing per capita rates.
Ang mababang testing rates, pati na rin ang pagiging vulnerable ng bansa sa COVID-19 outbreak ay sapat na dahilan para magpatupad ng lockdown sa buong Metro Manila
Sa ngayon mayroon nang mahigit sa 30 COVID-19 cases sa Pilipinas, habang nakalabas na ng ospital ang 662 patients under investigation.
Subalit sa kabila nito, may ilang nagsasabi na hindi totoo ang bilang na inilalabas ng Department of Health.
Ayon kay Salceda, may isang Swiss pharmaceutical company na nag-alok sa DOH ng nasa 1,000 testing kits na nagkakahalaga ng P1,000 noong Pebrero 2.
“Walang dahilan ang DOH na magsabi na wala silang kakayanan magtest, dahil inoffer sa kanila ng isang kompaniya dito, murang-mura P1,000 lang per test, tapos hindi nila hinandle ‘yon. I think they should be made to account for it,” ani Salceda.