CEBU – Inihayag ng kasalukuyang nakaupong gobernador na si Negros Oriental Governor Pryde Henry Teves na kailangan muna siyang i-uninstall ng Department of Interior and Local Government (DILG) bago mailuklok ang bagong proklamadong Gobernador Roel Ragay Degamo.
Sa kanyang facebook live nitong Martes ng gabi, sinabi ni Teves na ayon sa batas, hindi posibleng pagkaitan ng kalayaan at karapatan ang isang tao nang walang due process.
Sinabi ni Teves na dapat magsampa ng quo warranto case sa korte ang kampo ng bagong proclaimed governor gamit ang desisyon ng Comelec para magkaroon ng back up ang DILG para tanggalin siya sa kanyang posisyon.
Hinimok niya ang kampo ni Degamo na hilingin sa korte na pawalang-bisa ang kanyang panunungkulan at hindi lamang ang kanyang proklamasyon.
Ipinahayag rin ng opisyal na hindi makatwiran na nagsampahan ng kaso sila Roel Degamo at Ruel Degamo na wala siyang kinalaman ngunit isinama sa sentensya.