Nananatiling limitado pa rin ang galaw ng pinatalsik na Negros Oriental congressman Arnolfo Teves Jr matapos na ito ay mapalaya sa pagkaka-house arrest sa Timor-Leste.
Sinabi ni Department of Justice spokesman Mico Clavano, na base sa batas ng Timor-Leste na hanggang 90 days lamang maaaring makulong ang taong may kaso mula sa ibang bansa.
Natapos ang house arrest ni Teves noon pang Hunyo 21.
Subalit paglilinaw ni Clavano na limitado ang paggalaw ni Teves dahil mahigpit ang ginagawang monitoring sa kaniya.
Hindi siya papayagang makalabas ng Timor-Leste hanggang mayroong final ruling sa kaniyang extradition.
Nagpatupad na rin ang mga otoridad ng Timor-Leste ng paghihigpit para hindi makalabas sa Dili ang kapital ng bansa si Teves.
Inaasahan na sa mga susunod na araw lalabas ang desisyon ng extradition case ni Teves.
Magugunitang si Teves ang itinuturong mastermind sa pagpatay kay Negros Oriental governor Roel Degamo at siyam na iba pa noong Marso 4, 2023.