-- Advertisements --

Naniniwala si Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla na nananatiling nasa southeast Asia si dating Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr.

Sinabi ng kalihim na protektado ito ng mga local warlords sa bansang kinaroroonan niya kaya malakas ang loob nito.

Plano din ng DOJ na sulatan ang United Nations para manawagan sa mga bansa at tuluyang mapauwi si Teves.

Magugunitang mayroong warrant of arrest si Teves at tatlong iba pa dahil sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.