Kinumpirma ni Department of Justice Assistant Secretary and Spokesperson Mico Clavano IV na hindi na magtatagal bago maibalik sa Pilipinas si expelled Negros Oriental Cong. Arnolfo Teves Jr.
Ayon kay Clavano, mismong si Timor-Leste President Jose Ramos-Horta ang may gustong ibalik si Teves sa bansa.
Magugunitang noong Hunyo, ipinagkaloob ng Court of Appeals sa Timor-Lester ang hiling ng gobyerno ng bansa ng ma-extradite si Teves, na may kinahaharap na paglilitis sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.
Sa isang pahayag noong Agosto 28, sinabi ng Department of Justice na ang motion for reconsideration na inihain ng kampo ni Teves laban sa kanyang extradition ay tinanggihan.
Pinuri ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang pagtanggi sa mosyon ni Teves at tinawag itong “a significant step forward” sa paghahanap ng hustisya.