-- Advertisements --
Target ngayon ng mga otoridad sa bansa na isusunod na ikustodiya si dating Congressman Arnolfo Teves.
Kasunod ito sa pagkakaaresto kay Pastor Apollo Quiboloy nitong linggo.
Sinabi ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr, na umaasa silang maipasakamay na sa gobyerno ng Pilipinas si Teves.
Kasalukuyang nasa house arrest kasi si Teves sa Timor Leste noon pang buwan ng Hunyo.
Si Teves ay siyang itinuturong mastermind sa likod ng pamamaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.
Sa panig ng dating mambabatas, iginigiit nito na wala siyang kinalaman sa pangyayari dahil wala siya sa bansa sa panahon na naitala ang krimen.