Tinawag ni suspended Negros Oriental Congressman Arnolfo “Arnie” Teves Jr na imbento lamang o kathang-isip lamang ang umanoy P8 milyon na alok sa bawat suspek na naaresto sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.
Sa kaniyang social media account ay nagpost ng video si Teves kung saan hindi nito maunawaan kung saan nakuha ni Department of Justice (DOJ) Secretary Crispin “Boying”Remulla ang nasabing halaga.
Dagdag pa nito na bakit hindi 7, 9 o 10 milyon at bakit 8 dahil ito ba ay suwerte?
Nauna ng sinabi ng kalihim na binayaran umano ng P8milyon ang mga naarestong suspek sa pagpatay kay Degamo para iatras ang kanilang pahayag at idiin na sila ay sinaktan ng mga kapulisan para aminin ang krimen.
Dahil dito ay tinawag ni Teves si Remulla na siya ay sinungaling dahil sa iba-iba ang lumalabas sa salita nito.