-- Advertisements --

Hindi makapaniwala ang isang abogado sa Texas na ito ay sisikat sa internet.

Kasunod ito ng pag-viral ng kaniiyang video habang isinasagawa ang virtual court session.

Hindi kasi kabisado ni Atty. Rod Ponton ang paggamit ng apps na Zoom kaya napindot nito ang filter na isang pusa.

Sinabi nito na gamit nito ang computer ng kaniyang secretary ng bigla na lamang lumitaw ang filter na pusa.

Sa unang bahagi ay normal na lamang subalit ng simulan na ng judge ang pagdinig ay doon na lamang lumabas ang pusa.

Mismong si Judge Roy Ferguson ang nag-share ng video sa social media para iparating sa mga tao na dapat tiyaking nakapatay ang filter bago magsimula ang meeting.

Matapos ang pagkalat ng video ay maraming tawag at emails ng natanggap si Ponton.

Ipinagkibit balikat na lamang ni Ponton ang pangyayari dahil nangyari na ito at tanggap na niya ang kaniyang kasikatan.