-- Advertisements --
Ross Perot
Ross Perot

Pumanaw na ang kilalang bilyonaryo sa America na si Ross Perot sa edad 89.

Ito mismo ang kinumpirma ng pamilya ng two-time presidential candidate.

Nakilala rin si Perot sa pagkakaroon ng sariling computer data industry noong 1962.

Unang tumakbo ito sa pagkapangulo noong 1992 subalit tinalo siya ni Democrat Bill Clinton.

Taong 1996 nang tumakbo muli sa pagkapangulo ang Texan billionaire at siya ay na-diagnose na may leukemia.

Ipinanganak na mahirap noong 1930 at nagsimula ang technology career sa pamamagitan ng pagtatrabaho sa IBM.

Noong 1962 nang inilunsad niya ang Electronic Data Systems (EDS) sa edad 32.

Itinaguyod niya ang Perot Systems bago ito nabili ng kompaniyang Dell sa halagang $3.9 billion.