-- Advertisements --

Nagpositibo sa COVID-19 si Texas Governor Greg Abbott.

Ayon sa kaniyang staff na fully vaccinated na ang Republican Governor at araw-araw itong nagpapasur at ito lamang ang unang beses na nagpositibo.

Kasalukuyang naka-isolate na ito at sumasailalim sa Regeneron monoclonal antibody treatment.

Nasa mabuting kalagayan na aniya ito at hindi na nakakaranas ng anumang sintomas.

Hindi na nahawaan ang kaniyang asawa na si Cecilia base na rin sa lumabas na resulta ng kaniyang pagsusuri.

Magugunitang isa is Abbott sa kumokontra sa pagsusuot ng face mask kung saan nagpalabas pa ito ng executive order na nag-aatas ng pagbabawal sa mga paaralan na magsuot ng mga face mask.